an•ti•pá•ra 1: tábing o pansamantalang dingding para hindi makíta ang nása likod 2: poláynas 3: salamin sa matá, lalo na iyong ginagamit sa pagsisid
antiparticle (an•ti•pár•ti•kél) : sub-atomikong particle na kahawig sa mass ng isa pang particle ngunit kasalungat sa katangiang elektriko at magnetiko
antiphon (án•ti•fón) 1: awit o salmo na dinarasal o inaawit nang salitan ng dalawang pangkat 2: bersikulo mula rito 3: pangungusap na dinarasal o inaawit bago matapos ang salmo 4: responsoryo
an•ti•pó•lo : punongkahoy (Artocarpus blancoi) na kahawig ng rimas, nabubuhay sa makapal na palumpungan, at hugis biluhaba ang maliliit na bunga, katutubò sa Filipinas
An•ti•pó•lo : lungsod sa lalawigan ng Rizal na kilaláng pook bakasyunan at dinadayo ng mga namamanata sa birheng Nuestra Señora de Buenviaje
antiquity (an•tík•wi•tí) 1: sinaunang panahon, lalo na ang yugto bago sumapit ang panahong midyibal 2: relikya, kaugalian, tradisyon, at pangyayari noong sinaunang panahon 3: kolektibong tawag sa mga sinaunang tao
an•ti•sép•sis : proseso ng paggamit ng antiseptiko upang labánan ang maliliit na organismo na nagiging sanhi ng iba’t ibang sakít