a•do•ra•dór 1: tagahangà 2: sa Katoliko Romano, tanod na naglalamay kapag nakatanghal ang Banal na Sakramento
adrenal (a•drín•al) 1: ukol sa o mula sa adrenal gland 2: malapit sa bató 3: may kaugnayan sa bató o kalapit nitó
adrenal gland (ad•rín•al gland) : isa sa dalawang endocrine gland na makikíta sa isang gilid ng bató na gumagawâ ng adrenalin at ng mga hormone na mahalaga sa pagbalanse ng asin at tubig, sa metabolismo ng sodium at potassium, at sa paggamit ng glucose
adrenocorticotropic hormone (a•drí•no•kór•ti•ko•tró•fik hór•mon) : hormone na inilalabas ng pituitary gland na nakapagpapagana ng adrenal gland
á•dres, a•drés 1: a pook na tinitirhan ng isang tao o himpilan ng isang organisasyon b detalye nitó, para sa layuning pangkoreo c ang kinalalagyan ng lihim na impormasyon 2: panayam o pahayag sa mga manonood o sa madla 3: paraan ng pakikipag-usap