- ad•mú•lakpng | Say | [ Bil ]:sayaw na ginagaya ang panghuhúli ng ibon
- ad nauseam (ad no•sé•yam)pnb | [ Lat ]:hanggang sa antas na nakasusuká at nakahihilo
- ad•nó•mi•nálpnr | Gra | [ Ing ]:ikinakabit sa pangngalan
- a•dópnd | [ War ]:makipagsayaw sa kaparehang babae
- -á•dopnl | [ Esp ]:pambuo ng pangngalan na nagpapahiwatig ng katayuan, tungkulin, uri, o kalidad, -á•da kung pambabae hal abusado, abusada
- á•dopng | [ Ifu ]:sa paghabi, puwang sa pagitan ng dalawang sinulid na magkapatong
- a•dó•bepng | Heo | [ Esp ]1:batóng silyar2:pinatuyong ladrilyo na karaniwang matatagpuan sa mga bansa na bibihirang umulan3:dilaw na luad na naipon ng ilog at nagiging batóng silyar4:gusali na yarì sa adobe5:maitim na lupa na may halòng luad
- a•dó•bopng | [ Esp ]:putaheng niluto sa sukà at asin, karaniwang sina-sangkapan ng paminta, bawang, lawrel, at iba pang pampalasa
- á•dogpng | [ Ifu ]:lupang siksik na ginagamit sa pagbuo ng rabaw ng dingding na bató
- adolescence (ad•o•lés•ens)png | [ Ing ]:panahon sa pagitan ng kamusmusan at pagkatigulang
- adolescent (ad•o•lés•ent)png | [ Ing ]:tao na sumusulong mula sa kamusmusan túngo sa pagiging tigulang, karaniwang nása pagitan ng gulang na 13-19 taon
- A•dól•fopng | Lit:kontrabida sa Florante at Laura at utak ng pag-aalsa sa Albanya
- A•dó•nispng | [ Gri ]1:kabataang laláki na pinatáy ng baboy-damo, ngunit pinayagan ni Zeus na bumalik kay Persephone tuwing taglamig, at kay Aphrodite tuwing tag-init2:laláking guwapo
- a•dop•si•yónpng | [ Esp adopción ]1:2:paggamit o pagtuturing na sarili ang isang bagay3:pagtanggap upang mapagtibay4:a proseso o gawaing túngo sa pag-angkop o pagbabago , b pagbabago ng organismo upang higit na umangkop sa kaligiran o pangangailangan c Lit Sin pagbabago ng isang anyo túngo sa ibang anyo, gaya ng muling pag-sulat sa isang nobela túngo sa iskrip pampelikula o ng paghalaw dito túngo sa mas maikling anyo