a•du•las•yón 1: labis at eksaheradong pagpuri 2: pagpupugay na hindi ginamitan ng tumpak na bait at pagkukuro
a•dul•te•rá•do 1: hindi puro o dalisay 2: mababà ang uri o kalidad dahil dinagdagan ng sangkap na mas mura o mas mababà ang kalidad
a•dul•te•ras•yón 1: paghahalò ng ibang sangkap upang masirà ang kalagayang dalisay 2: pagpapababà ng uri o kalidad sa pamamagitan ng pagdaragdag ng sangkap, malimit sa paraang lihim at may layuning mandaya