Ád•vent 1: panahon bago mag-Pasko, sakop ang apat na naunang mga Linggo 2: pagdatíng o pangalawang pagdatíng ni Kristo 3: pagdatíng ng isang mahalagang tao o bagay
adventitious root (ad•ven•tí•syes rut) : ugat na lumalabas mula sa ibang bahagi ng haláman na hindi karaniwang nilalabasan ng ugat
advocatus diaboli (ad•vu•ká•tus di•á•bo•lí) 1: sugo ng diyablo 2: antagonistikong kritiko lalo na ukol sa mga kapaki-pakinabang na usapín 3: opisyal na kritiko tungkol sa merito ng mga himala ng isang magiging santo