ba•nóg 1: láwin 2: uri ng malaking bánoy (Spizaetus Philippinensis) na madilim na kayumanggi ang kulay ng likod at pakpak, at mamulá-muláng kayumanggi ang dibdib at tiyan
bá•nog : itinuturing na pinakamalaking banoy (Pitheco-phaga jefferyi) sa Filipinas at pambansang ibon ng Filipinas
bá•nos 1: isang bloke ng mga pitak ng lupang sakahan 2: pagiging tuwid ng pagkakatayô ng bahay, haligi, mohón
bá•noy : malakíng ibon (genus Haliaetus) na kilalá sa kakayahan ng taas sa paglipad at talas ng paningin
ban•sâ 1: komunidad ng mga mamamayan na may iisang lahi, kasaysayan, wika, kultura, at pamahalaan 2: teritoryo ng komunidad na ito
ban•ság 1: kilaláng tawag sa isang tao bukod sa kaniyang tunay na pangalan 2: apelyído 3: islógan 4: pagparangálan
ban•sa•la•gín : punongkahoy (Mimusops parvifolia) na mayabong, tumataas nang hanggang 15 m, at nakakain ang bunga