bauxile (bók•say) 1: pangunahing alloy ng aluminum 2: bató na binubuo ng mga aluminum oxide at hydroxide na may iba’t ibang halò
bá•wa 1: pagsasaayos o pag-iingat sa mga gawain o bisyóng nakasasamâ sa katawan 2: pagpapalamig sa ulo o pagpapalambot ng puso
bá•was 1: paraan o kilos para lumiit o umunti ang isang bagay 2: paghinà o pagbabà ng hangin, lagnat, at katulad 3: pagtae 4: matalik na kaibigan 5: pabalintunang gamit, gaya sa tinatawag na bawas-kalumpit, sa halip pauntiin ay di-nadagdagan o nilalagyan pa ng alak ang baso
bá•wat 1: inisa-isa ang dalawa o higit pa; itinuturing nang paisa-isa 2: a bagamán hal Bawat mayama’y honghangb bagamán mayaman, siya ay hangál
ba•wì 1: muling pagkuha sa bagay na naibigay na 2: pagbabalik ng salaping natálo sa sugal sa pamamagitan din ng sugal 3: pagbabago ng nasabi o naipangako