be•ne•rá•ble 1: itinuturing na kagálang-gálang dahil sa katandaan, dakilang katangian, mataas na posisyon, at katulad 2: sa Katoliko Romano, titulo ng isang namatay na itinuturing na banal ngunit hindi santo
béng•nay : punongkahoy (Antidesna bunius) na maliit, makintab ang balahibuhing dahon, maliit at lungti ang bulaklak, pulá ang maasim at malamáng bungang may isang butó, at ginagamit na gamot kasáma ng kabugaw at kalibon