Ben Zayb : tauhan sa El Filibusterismo, peryodistang nagngangalang Ibañez at nagsusulat sa mga diyaryo sa Maynila
benzene (bén•zin) : likidong walang kulay, karsino-heniko, at volatile C6H6, nakukuha sa coal tar at petrolyo, at ginagamit na solvent
bér•ga : dalawang pútol ng kawayang buo o bilóg na kahoy na ikinakabit sa dakong itaas at ibabâ ng layag bílang pampatigas
bér•has : balangkas ng mga nakahanay o magkakakrus na baras na inihaharang sa isang lagusan upang hindi ito mapasok ngunit nagpapahintulot ng komunikasyon o bentilasyon