bolometer (bó•lo•mí•ter) : sensitibong aparatong elektrikal na pansukat ng enerhiyang mula sa mahinàng liwanag
bo•lo•wáng 1: natimbuwáng 2: mabasag o binasag ang isang bagay tulad ng timba o banga na punô ng lamán
ból•pen : pen na may maliit na bola sa dulo na ginagamit na pansulat at naglilipat ng tinta sa papel mula sa cartridge
bolshevik (ból•sye•vík) 1: kasapi sa partido komunistang Ruso 2: sinumang rebolusyonaryong sosyalista
bolt 1: dumudulas na bara, ginagamit na pangkandado ng pin-to, gate, at katulad 2: deskarga ng kidlat