bo•lun•ta•rís•mo 1: prinsipyo hinggil sa kusang pagkilos sa halip na sapilitan 2: doktrina na nagsasaad na ang sariling kapasiyahan ay batayan o dominanteng salik sa isang tao o sa buong mundo 3: doktrina na dapat nakabukod ang simbahan o ang paaralan at itinataguyod ng kusang pag-aambag ng pondo 4: prinsipyo o sistema ng pagtulong sa mga simbahan, paaralan, at katulad sa pamamagitan ng pag-aambagan at pagtutulungan
bo•lun•tár•yo 1: tao na nagboboluntaryo 2: a pagkilos o paggawa ng isang bagay nang hindi pinipilit b kilos na sinasadya at hindi aksidente
bo•lun•tár•yo 1: nag-alay ng libreng serbisyo 2: walang bayad at kusang-loob na naglilingkod 3: batay sa sariling pagpapasiya
bóm•ba 1: sisidlang pumuputok na may lamáng usok, gas, at ibang nakapipinsala 2: mákináng pansaboy ng tubig o panghihip ng hangin 3: mákináng humihigop ng tubig 4: bahaging itinataas ibinababâ sa poso ng tubig 5: póso 6: panooring may paghuhubad o pagtatalik
bóm•ba a•tó•mi•ká : bombang nuklear na nag-mumula sa biglang pagkahati o pagkabiyak ng atomo U 235 ang mapaminsalang lakas
bomber (bá•mer) 1: eroplanong nagdadalá at naghuhulog ng bomba 2: tao na gumagamit ng bomba sa gawaing kriminal
bom•bé•ro 1: tao na may tungkuling umapula ng sunog 2: tao na lumalabas sa panooring bomba, bom•bé•ra kung babae