Bri•tán•ya 1: sinaunang Romanong katawagan sa England, Wales, at Scotland at iba pang karatig na pulo 2: United Kingdom of Great Britain
broadsheet (brod•syít) 1: malakíng piraso ng papel na may nakaimprentang impormasyon sa isang panig lámang 2: diyaryo na may malakíng format
broccoli (bro•kó•li) : haláman (Brassica oleracea botrylis) na kauri ng repolyo at cauliflower, at may berdeng búkong bulaklak
bród•kast 1: paghahatid ng balita, musika, at iba pa sa pamamagitan ng radyo o telebisyon 2: programang panradyo o pantelebisyon 3: oras ng programa sa radyo o telebisyon
broiler (bróy•ler) 1: manok na batà pa at malambot, tamang tamang iprito o iihaw 2: kasangkapang ginagamit sa pag-ihaw ng karne
bro•ká•do : pinakapal na tela, karaniwang seda at hinahabi nang may nakaalsang disenyo sa ginintuan o pinilakang sinulid