ba•ké•ta 1: panlinis sa bútas ng kanyon matapos at bago muling paputukin 2: alinman sa ganitong panlinis sa bútas ng túbo
bá•ki 1: tanong upang maláman ang layunin ng kausap 2: pananalitang magaspang at iba sa karaniwan 3: sulínaw
bá•kid 1: pag-aalay ng baboy o manok para sa namatay o naghihingalo 2: malaking basket na nakasalalay sa kabayo o kalabaw, o pinaglalagyan ng áni, gaya ng niyog, mais, at saging 3: takal ng bigas na katumbas ng 25 gatang
ba•kí•kong : tíla hawlang panghúli ng hito, hugis puso, at yarì sa nilálang lapat na kawayan at ginagamitan ng maamoy na pain upang akitin ang hito