baking powder (béyk•ing páw•der) : halò ng sodium bicarbonate, cream of tartar, at iba pa, ginagamit bílang kapalit ng lebadura
bá•kir 1: gúbat 2: pagputol ng kahoy o pangangahoy 3: pagiging masigasig sa gawain 4: isang uri ng basket
bá•kis 1: talìng ikinabit sa tungkod o anumang bitbíting sandata upang makatulong sa pagpigil na mabuti sa puluhan 2: talì sa puluhan ng palupalò o latigo sa kabayo, sa batuta ng pulis, at sa baril upang maisakbat sa balikat
bak•lá 1: pagkabighani sa anumang maganda sa tingin 2: pagkatigalgal sa isang bagay na hinahangaan lalo pa at bago sa paningin 3: pagkatigatig sa kalooban dahil sa takot 4: pagkagulantang dahil sa isang pangyayaring kahambal-hambal 5: balísa1-3 o pagkabalísa 6: pagkilos dahil sa isang interes o pakinabang
bak•lás 1: natanggal o inalis na bahagi o rabaw 2: nabunót 3: baklî, gaya ng nabaklás na sanga ng kahoy 4: nanghina ang loob o isang bahagi ng katawan