ba•kô 1: hadlang dahil sa hindi patag na rabaw 2: mababaw na hukay sa daan 3: paudlot na pagsasalita; pagkauntol sa paglalakad
bá•kod 1: patayông estruktura sa paligid ng isang sukat ng lupa, maaaring gawâ sa kawayan, tabla, kahoy, bató, o mga tumutubòng haláman at punong-kahoy 2: anumang nakakulóng sa banos ng lupang palayan o halámanan 3: baklád
ba•kó•ko 1: katamtaman ang laking isdang-alat (family Haemu-lidae), may maliit na bibig ngunit makapal na labì, marami sa mga species ang may mahabàng palikpik sa gulugod, makulay ang kaliskis, at maraming species ang nagbabago ang kulay hábang tumatanda 2: maliit at bagong salaan
bá•kol : malaking basket na maluwang ang bibíg, masinsin ang pagkakalála, at may apat na sulok na puwit
bá•kong 1: halámang namumulaklak (Crinum asiaticum) na mahabà ang dahon, may bilugan at lungti na bunga, at tumutubò sa mabuhanging tabing dagat 2: manipis at putîng lamad na bumabálot sa panloob na bahagi ng kawayan 3: hayop1