ba•ku•ná•wa 1: dambuhalang ahas na pinaniniwalaang kumakain ng buwan o araw kapag may eklipse o lahò 2: lahò
ba•ku•tót : tíla hawlang palakaya, gawâ sa nilálang lapát ng kawayan, at ginagamit sa Mindoro para sa paghúli ng isda
bák•wa 1: ilahas na ibon (Pitta sordida sordida) na itim at lungtian ang balahibo at maingay 2: patóla1
bak•wét 1: tao o mga tao na umalis ng tirahan upang tumakas sa kapahamakan 2: kilos o paraan ng pag-alis sa tirahan upang tumakas sa kapahamakan
bak•yâ 1: sapin sa paa na yarì sa kahoy ang tapakan 2: yerba (Dieffenbachia amoena) na malakí at malapad ang matingkad na lungting dahon 3: dalawang kahoy na ipinuwestong tíla ekis para paglagyan ng iihawing usa o baboy