ba•kú•bak : natuyông bunga ng kalabasa at iba pang halámang-baging, at karaniwang ginagamit bílang sombrero o sisidlan ng likido
ba•kúl 1: sawaling ginagamit bílang dingding, sahig, o bubong 2: makapal na kumot na makulay ang gilid
ba•kúm•bá•kong : pinasan nang nakasalalay sa batok at nakalawit sa dibdib ang mga paa, karaniwang batà ang karga