ba•lá•at 1: pagbalot ng yantok sa tibór o tapayan 2: katulad na pambalot na metal na , nagbibigay ng tibay at proteksiyon sa bilóg na bagay, gaya ng baláat sa bariles
ba•la•bà 1: palapà ng palma 2: muràng dahon ng saging o gabe 3: lapát na kawayan at ginagamit sa pagbabakod 4: nahawan o malinis na gubat o kahuyan
ba•la-ba•lang•gú•tan : damong karaniwang tumutubò sa mga tiwangwang at latiang pook, ang tangkay ay ginagamit sa paggawâ ng banig at pantabing
ba•lá•ba•la•nú•yan 1: mabalahibong palumpong (Gynadropsis gynandra) na lumalago sa gilid ng dalampasigan 2: palumpong (Polanisia icosandra) na malakas ang halimuyak