ba•la•bí•ga : madaldal at mahilig mamintas, binubuo ng balá, magsalita, at bíga, na isang uri ng yerba na nagdudulot ng pangangatí
ba•lá•da 1: tula o awit na nagsasalaysay 2: mabagal at madamdaming awit na may dalawa o higit pang saknong na magkatulad ang himig
bá•lag 1: salá-saláng buho o kawayang nakapatong sa mga itinayông tukod na pinapa-gapangan ng mga haláman o baging 2: magkakrus o magkasalungat na kilos ng mga tao 3: kíkil
ba•lá•gat 1: dalawang magkatapat na butó sa balikat na naghuhugpong ng mga butó sa bisig at dibdib 2: kuwintas
ba•lag•bág 1: barakílan1 2: tahílan1 3: praksiyonal na destilasyon 4: kahoy na inilagay nang pahiga at karaniwang bilang sahig ng bahay o anumang inilagay sa naturang paraan