ba•lag•bá•gan : patíng (Sphyrna zygaena) na lapad ang nguso at may ulong hugis malyete o martilyo at karaniwang humahabà nang 4.8 m
ba•la•gó•bang : isang uri ng ibon na may lakíng 15 sm, mga pakpak na patulis at mahabà, tukâng kurbada at mas mahabà pa sa ulo nitó, may balahibong kulay dilaw, lungtian, at pulá, at kumakain ng bubuyog
ba•lá•hak 1: paghahalò ng mga lahi, bakal, mámaháling bató, at iba pa 2: pagkakamali 3: alloy na may sari-saring kilates ng ginto
ba•la•hí•bo 1: manipis at malambot na buhok sa katawan ng tao 2: buhok na bumabálot sa katawan ng hayop