ba•la•hô 1: malalim na lupang putikan o lubak-lubak 2: hukay na patibong sa paghúli ng maiilap na hayop sa gubat
bá•lak 1: anumang iniisip na isagawâ o tupdin 2: anumang binalangkas nang detalyado para isagawâ nang matagumpay, karaniwang ipinahahayag nang nakasulat para isaalang-alang ng ibang tao 3: sapantahà1 4: tradisyonal na patulang pagtatálo 5: pagpapatunay, pag-aaral 6: sa Bulacan noon ay nangangahulugan ng paghahati sa mga bunton 7: sa Maynila noon ay isang paraan ng pananalinghagang inaawit
ba•la•kás 1: pagbigkis ng bangkay sa pamamagitan ng mga labay sa ibabaw ng kumot na pamburol 2: maluwag na pagkakatalì