bam•bá•ki 1: manipis na telang hinábi mula sa mga hibla ng ubod ng haláman 2: bamban2-3 3: manipis na balát na kasámang lumalabas ng sanggol kapag ito ay ipinapanganak
bam•bán 1: yerba (Donax cannaeformis) na 2 m ang taas na may putîng bulaklak sa dulo ng sanga, ang tinilad at kinayas na tangkay ay ginagawâng basket, sombrero, at katulad, katutubò sa Filipinas at New Guinea 2: panloob na balok ng bungang-kahoy 3: manipis na balok sa loob ng bumbong ng kawayan 4: telang ibinabálot sa batàng bagong sílang