bam•pí•ra 1: multo o binúhay na bangkay na umaalis sa libingan kung gabi upang sipsipin ang dugo ng mga táong natutulog, karaniwang kinakatawan ng isang taong may mahahabà at matatalim na pangil 2: tao na talamak kung magsamantala sa iba 3: vampire bat
ba•ná•ag 1: napakalayòng sinag o kutitap 2: liwaywáy 3: bahagyang liwanag 4: bahagyang pagkakilála sa anumang bagay na nakikíta dahil sa kalabuan ng matá 5: kinang ng alahas 6: maliit na banga
ba•na•bá : malakí-lakíng punongkahoy (Lagers-troemia speciosa) na tumataas nang hanggang 20 m, nababakbak ang balát na makinis at abuhin, at may lilang bulaklak