di•mi•tí 1: magbitiw sa tungkulin o opisinang pinagtatrabahuhan 2: isuko ang karapatan, tungkulin, pribilehiyo, at katulad 3: a tanggapin sa isipan at kalooban ang hindi na mapipigilan b sumuko; tumalima, halimbawa sa gabay ng ibang tao 4: sa ahedres, itigil ang paglalaro at tanggapin ang pagkatalo
di•món 1: pook na pinag-aanakan ng inahing baboy, karaniwang gawâ sa damo, ginikan, at dahon 2: panahon ng pagkaratay hanggang manumbalik ang lakas ng isang babaeng katatapos manganak 3: púgad
dím•sum : isang putaheng Tsino na binubuo ng maliit at malasang dumpling na may iba’t ibang palamán na pinasingawan o ipinirito at isinisilbing meryenda o bahagi ng pangunahing putahe