di•ná•mi•ká 1: a sangay ng mekanika na may kinaláman sa galaw ng mga lawas na pina-kikilos ng mga puwersa b sangay ng alinmang agham na nagsasaalang-alang sa mga puwersa o pagbabago 2: agham o mga simulain ng mga lakas o enerhiya na ginagamit sa anumang larangan 3: ang mga motibong puwersa, pisikal o moral, na may bisà sa pag-uugali 4: pabago-bagong antas ng lakas ng tunog sa pagtatanghal
di•ná•mi•kó 1: aktibo2 2: hinggil sa puwersang nása aktuwal na operasyon 3: hinggil sa dinamika 4: hinggil sa lakas ng tunog 5: hinggil sa kapangyarihang mula sa diyos
di•na•mí•ta : pampasabog na may nitroglycerine at inihahalo sa solidong may ammonium nitrate at iba pang substance
di•ná•mo 1: mákináng lumilikha ng enerhiyang elektrikal mula sa enerhiyang mekanikal 2: tao na masigla
di•nas•tí•ya 1: pag-kakasunod-sunod ng mga namumunò mula sa iisang pamilya o angkan 2: pagkakasunod-sunod ng mga namumunò sa anumang larang 3: alinmang pamilya o pangkat na nananatili sa kapangyarihan sa loob ng mahabàng panahon
dí•ngal 1: kataim-timan at kadakilaan ng isang okasyon, hal dingal ng isang ritwal o misa 2: seremonya at pagta-tanghal ng kagila-gilalas, lalo na sa isang pagdiriwang na pangmadla