- di•nígpng1:tunog na , tinanggap ng tainga2:lítis o paglilitis
- din•ná•yanpng | Mus | [ Kal ]:awit sa pagbibinata
- din•núy•yapng | [ Ifu ]:ritwal para magpasalamat sa isang masaganang ani
- di•no•mé•ropng | Bot | [ ST ]:uri ng bigas na payat ang butil
- di•no•rá•dopng | Bot | [ Esp d+in+ orado ]:uri ng bigas na aromatiko
- dí•no•sáw•ropng | Zoo | [ Esp dinosaurio ]:reptil (order Saurischia at Ornitischia) na nabúhay noong panahong Meso-zoic, maaaring erbiboro o karniboro, at may ilang uri na lubhang malakí
- di•nu•du•gôpng | Med | [ ST du+in+ dugo ]:sinumang inabutan ng buwanang regla
- di•nu•gôpng | Bot | [ ST d+in+ugo ]:isang uri ng saging
- di•nu•gu•ánpng | [ ST d+in+ugo+an ]1:putaheng karne at lamánloob na hinahaluan ng dugo ng baboy o baka, bawang, at iba pang lahok2:isang uri ng saging
- di•nú•langpng | [ ST d+in+ulang ]:malakíng pinggan
- di•nú•lutpng | Mus | [ Han ]:mabagal na ritmo ng dalawang gong
- Dionysus (di•o•ní•sus)png | Mit | [ Gri ]:sa sinaunang Gresya, anak nina Zeus at Semene, orihinal na diyos ng perti-lidad ng kalikasan at iniuugnay sa mga ritwal na magulo at masimbuyo; nang lumaon, kinilála siyang diyos ng alak at nagdudulot ng pagiging malikhain sa musika at tula
- diorama (da•yo•rá•ma, dí•yo•rá•ma)png | [ Esp Ing ]:representasyon ng tanawin na may mga pigurang tatlo ang dimensiyon