ding•díng 1: patayông estruktura na gawâ sa bató, kahoy, tisa, o katulad na materyales, ginagamit upang ku-lungin, hatiin, o ipagsanggaláng ang isang bahagi, lalo na ang gayong estruktura na nagsisilbing panloob na rabaw ng silid o gusali 2: panloob na rabaw o gilid ng isang bagay
díng•gu•wín : karniborong hayop (Amblonyx cinerea cinerea) na kahawig ng oso, mahilig manirahan sa mga ilog o sapa, at matatagpuan lámang sa Palawan