di•rek•tór 1: tao na namamahala ng isang bagay 2: kasapi ng lupong tagapamahala ng isang kompanya 3: tao na namamahala sa paggawâ ng pelikula, dula, at katulad 4: konduktor sa musika
di•rek•tor•síl•yo : sa panahon ng Espanyol, ang espesyal na ayudante ng gobernadorsilyo sa pangangasiwa ng gawain sa munisipyo
di•rek•tór•yo 1: aklat na may nakaalpabeto o nakapaksang talâ ng pangalan ng tao o samahan 2: file na naglalamán ng listahan ng mga programa at iba pang mga file 3: aklat ng mga tuntunin, lalo na para sa kaayusan ng publiko o pribadong pagsamba
dír•ham 1: damdamin ng pagkaligalig at tákot 2: pangangatal sa tákot 3: tákot sa mga matalim na bagay