de•líng•ku•wén•te 1: pabaya o may pagkukulang sa tungkulin o pananagutan 2: may kasalanan; lumabag sa isang krimen na magaan
de•lír•yo : pansaman-talang pagkawala ng kaayusan o katinuan ng pag-iisip dalá ng malubhang sakít, kalasingan, at iba pang katulad
deliver (di•lí•ver) 1: dalhin at ibigay sa kinauukulan ang isang liham, pakete,o inorder na paninda 2: pormal na ipahayag 3: manganak 4: iligtas o palayain
delivery (di•lí•ve•rí) 1: kilos o paraan upang dalhin o ibigay sa kinauukulan ang isang liham, pakete,o inorder na paninda 2: kilos upang pormal na ipahayag 3: panganganak 4: kilos o paraan upang iligtas o palayain
Delphyne (del•fáy•ni) : nilaláng na kalahating halimaw at kalahating babae na nagbantay kay Zeus nang ikinulong siya ni Typhon