del Pilar, Gregorio (del pi•lár gre•gór• yo) : 1875–1899, heneral sa Rebolusyong Filipino at bayani ng Pasong Tirad
del Pilar, Marcelo (del pi•lár mar•sé•lo) : 1850–1896, pangunahing propagandista, editor, makata, at manunulat sa Tagalog at Espanyol
deltoid (dél•toyd) : kalamnan na malakí, hugis tatsulok, bumabálot sa kasukasuan ng balikat, at ginagamit sa pagtataas ng kamay palayo sa tagiliran
de•lus•yón : paniniwala o impresyong personal na matibay na sinusunod at ipinag-tatanggol sa kabila ng salungat na katotohanan o lohika na tinatanggap ng karamihan, karaniwang sintomas ng pagkasirà ng isip
dé•ma•gó•go : pinunò na umaakit ng taguyod sa pamamagitan ng pagpapaalab sa mga damdamin, lunggati, at prehuwisyo ng madla sa halip na gamitin ang katwiran
de Malacca, Enrique (de má•la•ká en•rí•ke) : interpreter ni Fernando Magallanes, sinasabing katutubò sa Filipinas