de•mog•ra•pí•ya : pag-aaral na estadistika ng mga katangian ng populasyon lalo na at nauukol sa lakí at dami, pag-unlad, pagkakabaha-bahagi, pandarayuhan, at ang bisà ng lahat ng ito sa kalagayang panlipunan at pangkabuhayan
de•mo•krás•ya 1: sistema ng pamahalaan na mga mamamayan ang humahawak ng kapangyarihan sa pamamagitan ng mga kinatawan na pinili sa malayang halalan 2: estado, bansa, o samaháng may gayong uri ng pamahalaan 3: kalagayan ng lipunan na may pagkakapantay ng mga karapatan at pribilehiyo 4: pagkakapantay na pampolitika at panlipunan
de•mo•krá•ti•kó 1: hinggil sa demokrasya 2: nagtatanggol, nagtataguyod, o naninindigan sa demokras-ya
de•mok•ra•ti•sas•yón : pagiging demokra-tiko; pagkakapantay ng lahat ng mga mamamayan sa ilalim ng mga umiiral na batas