denial (de•ná•yal) 1: pagkakait 2: pagkakaila; pagtanggi; pagta-tatwa 3: pagtatakwil 4: ang di-maláy na pagpipigil ng masakít o hindi katanggap-tanggap na damdamin o katotohanan
denial queen (de•ná•yal kwin) : tawag sa isang popular o kilaláng babae, lalo na sa isang artista, na pinasisinungalingan ang mga balita o pahayag tungkol sa kaniya
de•no•mi•nas•yón 1: sektang panrelihiyón 2: uri ng yunit sa isang sistema ng mga bílang, súkat, o halaga, gaya ng salaping papel
denouement (dey•nú•man) 1: ang katapusang paglalantad ng banghay, masalimuot na kalagayan, o katulad 2: katapusang kuma-kalag sa salimuot ng banghay ng dula, nobela, at iba pang akda
den•si•dád 1: antas ng sinsin ng isang substance 2: antas ng lapot na sinusukat sa kantidad ng mass sa bawat yunit ng volume 3: sa potograpiya, antas ng salungatan ng liwanag at dilim sa negatibo
densitometer (dén•si•tó•mi•tér) : sa potograpiya, instrumentong ginagamit sa pagsukat ng densidad ng imahen na nása negatibo