de•mos•tras•yón 1: pagpapatunay batay sa ebidensiya 2: pagpapaliwanag na gumagamit ng kongkretong halimbawa 3: pagpapakíta kung paano ginagamit ang isang kasangkapan o gamit 4: pagtitipon o pagmamartsa upang ipakíta ang pananaw ng isang pangkat ukol sa isang isyu 5: pagpapakíta ng puwersa upang linlangin ang kaaway 6: lohikal na pagpapakíta ng paraan kung paanong nakuha ang resulta ayon sa mga hatag
de•mós•tra•tí•bo 1: nagpapaliwanag; nagpapatunay 2: lantarang magpakíta ng damdamin 3: panghalíp pamatlíg
den•drí•ta 1: mineral o bató na may likás na marka tulad ng punò o lumot 2: marka sa bató o mineral 3: kristal na tulad ng punòng maraming sanga 4: proseso ng pagsasanga ng nerve cell na naghahatid ng mga senyas sa katawan ng cell
déng•ge : sakít na nakahahawa, nagdudulot ng lag-nat na may halong singaw sa balát, pananakít ng ulo, matá, lamán, kasu-kasuan, at lalamunan, gawâ ng virus na dalá ng lamok