és•ku•wá•dra 1: tílap3 2: koponan 3: eskuwála 4: eskuwadrón1 5: tatsulók 6: maliit na kasang-kapang pambalíbol sa mga bagay na hindi káya ng isang ordinaryong pambútas
es•ku•wa•drón 1: pangkat ng mga pandigmang bapor na nakatalaga sa isang natatanging tungkulin 2: pangkat o pormasyon ng anim o higit pang sasakyang panghimpapawid 3: anumang organisadong pangkat
es•ku•wá•la : kasangkapang hugis L at T, may anggulong 90°, at ginagamit upang tiyakin na may gayong anggulo, guhit, o mga balangkas
Es•lá•bo : tao na kabílang sa pangkat ng mga tao sa Gitna at Silangang Europa na nagsasalita ng mga wikang eslábo
Es•lá•bo : tumutukoy sa sangá ng wikang Indo-Europeo at kabílang ang Russian, Ukrainian, Polish, Czech, Slovak, Bulgarian, Sorbian, Serbo-Croat, at Macedonian