es•kri•tú•ra 1: anumang banal na kasulatan o mga aklat ng anumang relihiyon 2: kasulatan na itinuturing na dapat paniwalaan o sundin
es•kró•pu•lá : sakít na kakikitáhan ng paglakí o pamamagâ ng mga glandula, maaaring isang uri ng tuberkulosis
es•kru•tín•yo 1: maingat at masusing pagsisiyasat o pagsusuri 2: maingat at patúloy na pagbabantay 3: opisyal na pagbibiláng ng mga boto
es•kú•do de ár•mas : sagisag ng pamilya, pangkat, o lahi na karaniwang nakaborda sa bandila o nakatatak sa dingding at kasangkapan