• ethology (i•tó•lo•dyí)

    1. 1:
      agham ng pagkilos, asal, at gawi ng iba’t ibang hayop
    2. 2:
      agham ng pagbubuo ng karakter sa ugali o gawi ng tao
  • ethos (í•tos)

    1. 1:
      diwa o mga saloobin ng isang komunidad, lipunan, sistema, o akdang pampanitikan
    2. 2:
      sa estetika, elemento ng sining na obhetibo, pandaigdigan, o ideal sa halip na subhetibo
  • ethyl (é•til)

    1. :
      monovalent radical na gáling sa ethane matapos ang pagkaltas sa hydrogen atom (C2H5)
  • ethylene (é•ti•lín)

    1. :
      gas (C2H4) na walang kulay, madalîng magsiklab, at may masamâng amoy; hydrocarbon ng alkene at matatagpuan sa natural gas, ginagamit din sa produksiyon ng polyethylene
  • -etic (é•tik)

    1. :
      hulaping pambuo ng pangngalan at pang-uri, hal genetic, synthetic
  • é•ti•ká

    1. 1:
      pag-aaral tungkol sa mga moral na pagkilos, asal, at gawain ng tao; pilosopiyang moral
    2. 2:
      mga pamantayan ng moral na pagkilos, asal, at gawain na angkop sa isang propesyon
  • é•ti•ké•ta

    1. 1:
      kalipunan ng mga alituntunin sa pakikisalamuha upang maging kanais-nais sa madla; tuntunin ng mabuting asal
    2. 2:
      mga nakasanayang asal ng mga kasapi sa isang propesyon
    3. 3:
      hindi nakasulat na mga batas at tuntunin
    4. 4:
      tatak ng produkto
    5. 5:
      tag
  • é•ti•kó

    1. 1:
      ukol sa moral o makatáong pagkilos at gawain
    2. 2:
      ayon sa pamantayang moral
    3. 3:
      ukol sa gamot na mabibilí lámang kung may reseta ng doktor