fifth 1: isa sa limáng pantay na bahagi 2: a tono o nota, lalo na ang dominante, limáng antas na diyatoniko mula sa hatag na tono o nota b limáng antas na pagitan ng dalawang tono sa eskalang diyatoniko c armonikong pagsasanib ng dalawang tonong may gayong pagitan
fig 1: a punongkahoy (Ficus carica) na nagpapalit ng mga dahon taon-taon, at namumunga ng prutas na maliit, malambot, hugis peras, at maraming butó b ang prutas nitó 2: bagay na walang halaga
figurative (fíg•yu•ra•tív) 1: matalinghaga; hindi literal 2: nalalarawan o kumakatawan sa pisikal na anyo ng tao o bagay
file (fayl) 1: kalipunan ng mga isinaayos na dokumento o papeles 2: kalipunan ng magkakaugnay na impormasyon 3: hánay 4: kíkil1,2