finals (fáy•nals) 1: pangwakas na pagsusulit sa kursong pampaaralan 2: panghulí at mapagpasiyang laro, laban, o pagsubok
finch (fints) : maliit na ibon (family Fringillidae), karaniwang may matabâng tukâ at makulay na balahibo at kumakain ng butil at butó ng prutas
find (faynd) 1: hanapin 2: makíta; makatagpo 3: makapulot 4: usisain o alamin sa pamamagitan ng pag-aaral, pagkukuwenta, o pagsisiyasat 5: maranasan 6: tiyakin at ipahayag
fine arts (fáyn arts) : ang mga sining na may layuning estetiko, tulad ng panulaan, musika, lalo na ang pagpipinta, eskultura, at arkitektura
fine print (fáyn print) : nakalimbag na detalyadong impormasyon, lalo na sa mga legál na dokumento, kautusan, at iba pa
finesse (fi•nés) 1: kapinuhan sa pagganap 2: kasiningan, lalo na sa maparaang pagdadalá ng mahirap o maselang sitwasyon 3: hindi halatang manipulasyon