finger food (fíng•ger fud) : pagkain na hindi ginagamitan ng kutsara at tenedor; pagkain na maaaring kamayin
fingering (fíng•ge•ríng) 1: paraan o sining ng paggamit ng mga daliri, lalo na sa pagtugtog ng instrumento 2: indikasyon nitó sa musikang nakasulat
finger painting (fíng•ger péyn•ting) 1: pagpipinta sa pamamagitan ng daliri o palad 2: pinturang gawâ sa ganitong paraan
fingerprint (fíng•ger•prínt) : marka na kinukuha sa rabaw ng dulo ng mga daliri, karaniwang ginagamit sa pagkilàla ng isang indibidwal
finishing school (fí•ni•syíng is•kúl) : pribadong kolehiyong pambabae na nagbibigay ng pagsasánay hinggil sa umiiral na moda o estilo, gaya sa pananamit, pananalita, o pag-uugali
fir : punongkahoy (genus Abies family Pinaceae) na laging-lungti, namumunga ng kono at may mga dahon na karaniwang nakaayos sa dalawang hanay
fire eater (fayr í•ter) 1: salamangkero na nagkukunwaring kumakain ng apoy 2: tao na mahilig makipagaway