flasher (flá•syer) 1: tao na mahalay na ipinapakíta ang sarili 2: a awtomatikong kasangkapang gamit sa pagpatay-sindi ng ilaw b hudyat sa pamamagitan nitó 3: tao o bagay na humahagibis
flashgun (flásh•gan) : sa potograpiya, kasangkapang lumilikha ng matinding kislap ng liwanag, ginagamit sa pagkuha ng larawan sa gabi, sa loob ng gusali, at iba pa
flashlight (flásh•layt) 1: pláslayt 2: kumikislap na ilaw na panghudyat, gaya ng ginagamit sa parola 3: bugso ng artipisyal na liwanag sa pagkuha ng larawan
flashpoint (flásh•poynt) 1: temperatura na nagliliyab ang singaw mula sa langis 2: yugto o sandaling hindi na makontrol ang galit, ngitngit, at katulad
flask 1: sisidlang hugis bote, karaniwang gawâ sa salamin o metal, lalo na ang maliit, malapad, at sapád na sisidlan ng alak 2: makipot ang leeg at tíla bombilyang bote na ginagamit sa pagpapainit ng likido sa laboratoryo
flat : paupahang silid o set ng mga silid, karaniwang sa isang palapág ng gusali, at ginagamit na tirahan
flat 1: pátag1 2: nawalan ng hangin, kung gomang gulóng ng sasakyan 3: mababà sa tunay o normal na tono
flát•ter 1: purihin nang labis labis at hindi tapát 2: subukang pasayahin o kunin ang pabor sa pamamagitan ng pagpuri 3: bolahin