flág•man : tao na gumagamit ng bandera bílang pansenyas, lalo na upang magbabalâ ng panganib o pumatnubay sa isang gawain
flag officer (flag ó•fi•sér) 1: opisyal ng hukbong-dagat na may karapatang magtanghal ng watawat upang ipakíta ang kaniyang ranggo 2: opisyal ng eskuwadra ng hukbong-dagat
flág•ship 1: barko ng flag officer 2: ang pangunahing sasakyan ng isang kompanya sa barko 3: anumang pinakamahusay o pinakamalakíng sasakyang-dagat o panghimpa-pawid
flamenco (fla•méng•kow) 1: uri ng sinaunang musikang Espanyol mula sa Andalucia, tinutugtog lalo na sa gitara at kinakanta ng mga hitano 2: sayaw para dito, may kasámang pagpadyak at pagpalakpak, at paikot na galaw ng kamay at braso
flap 1: piraso ng tela, kahoy, papel, at iba pa na ikinabit sa isang gilid, karaniwang ginagamit upang takpan ang puwang, hal takip ng bulsa o nakatuping bahagi ng sobre 2: kampay2
flare (fleyr) 1: a nakasisilaw na aandap-andap na apoy o liwanag b biglang siklab ng apoy 2: malakíng ilaw na panghudyat, lalo na sa dagat 3: biglang pagsabog ng radyasyon mula sa bituin 4: unti-unting pagluwang, lalo na ng palda o pantalon