first quarter (ferst ku•wár•ter) 1: panahong humigit-kumulang ng isang linggo pagkatapos ng bagong buwan na kalahatian ng buwan ang anyo 2: únang yugtô ng isang oras na hinatì sa apat
fishball (físh•bol) : dinurog na lamán ng isda, minása sa maliliit at pabílog na piraso, ipinirito, at ipinagbibilíng nakatuhog sa patpat at may manamis-namis na sawsawan
fission (fí•syon) 1: paghahati sa dalawa o higit pang bahagi 2: ang pagkakahati-hati ng isang atomikong nukleo, kasáma ng paglabas ng enerhiya 3: anyo ng asexual na pagpaparami sa pamamagitan ng pagkahati ng isang magulang na organismo sa dalawa o higit pang-indibidwal na organismo