fissure (fí•syur) 1: lámat, karaniwang mahabà at makipot, gawâ lalo na sa pamamagitan ng pagbagsak, paghati, o pagbiyak ng mga bahagi 2: makipot na bútas sa organ at iba pa, lalo na ang lubog na bahagi sa pagitan ng mga sirkombulusiyón sa utak
fistula (fís•tyu•lá) 1: di-karaniwan o tinistis na daluyan sa pagitan ng isang hungkag na organ at rabaw ng katawan o sa pagitan ng dalawang hungkag na organ 2: natural na túbong pampulandit ng likido, matatagpuan sa balyena, kulisap, at iba pa
fít•ting 1: pagsusúkat 2: a mga muwebles at iba pang kasangkapan sa isang gusali b bahagi ng kasangkapan, aparato, o muwebles
fix (fiks) 1: gawing matatag o matibay; higpitan 2: pagpasiyahan, pagkasunduan, o tiyakin ang presyo, petsa, at iba pa 3: komponihin; ayusin 4: itanim sa isip 5: a itutok ang paningin o atensiyon 6 b ipirme sa isang pook 6: ipirme sa isang pook
fixate (fíks•seyt) 1: ituon ang paningin 2: a magkaroon ng hindi normal na pagkagiliw sa isang tao o bagay b mapigil ang libog sa panimulang yugto, at maging sanhi ng gayong pagkagiliw
fixation (fiks•séy•syon) 1: pagkatuon sa isang bagay 2: pagkahumaling o konsentrasyon sa iisang idea 3: proseso ng pagkatunaw ng gas at pagiging bahagi nitó ng solidong compound
fixative (fíks•sa•tív) : substance na ginagamit sa pagpapanatili ng kulay, buhok, biyolohikong espesimen, at iba pa
fixed asset (fikst á•set) : anumang ari-ariang pangmatagalan o permanente, gaya ng gusali, lupain, kasangkapan, at iba pa, ginagamit sa pagpapatakbo ng negosyo at hindi balak na ipagbili
fixer (fíks•ser) 1: tagaayos ng bagay-bagay 2: sa potograpiya, substance na ginagamit sa pagbuo ng retrato 3: tao na nakikipagkasundo para sa ilegal na gawain
fixture (fíks•tyur) 1: a bagay na pinanatili sa isang posisyon b tao o bagay na pinanatili sa isang pook 2: a karéra1,2 b ang petsa para dito 3: mga bagay na nakakabit sa isang bahay o lupa at itinuturing bílang legál na bahagi nitó