flax : haláman (Linum usitatissimum) na may kulay asul na bulaklak, may himaymay na ginagawâng tela, at butóng napagkukunan ng langis
flesh 1: lamán1 2: karné 3: ang katawan, kaiba sa isip o kaluluwa, lalo na ang itinuturing na makasalanan 4: lamúkot 5: kulay ng balát
fleur de lis (flúr•de•lí) 1: líli3 2: sa heraldry a disenyo o kasangkapang kahugis ng bulaklak ng liryo b disenyo ng eskudo ng dáting kaharian ng France
flex (fleks) 1: magbaluktot o ibaluktot 2: sa arkeolohiya, baluktutin ang mga binti ng bangkay, at ipatong sa tuhod ang babà nitó
flight (fláyt) 1: akto ng pag-lipad 2: imbulog o pag-imbulog 3: paglalakbay sa kalawakan 4: iskedyul ng lipad o biyahe ng eroplano 5: pangingibang pook o paglíkas ng mga ibon 6: serye ng baitang 7: paghaginit ng palaso 8: mabilis na paglípas ng panahon 9: tákas o pagtákas 10: batayang taktikal na yunit ng hukbong panghimpapawid
fling 1: tápon1 o pagtatápon 2: sumpong ng pagpapalayaw o hindi sibilisadong gawi 3: romantikong relasyon na madalas ay panandalian lámang
flip chart (flíp tsart) : malaking pad na naitatayô at nabubuklat pataas ang mga páhináng tinahî o binigkis ang gilid