flower girl (flá•wer girl) 1: babaeng nagtitinda ng bulaklak, lalo na sa lansangan 2: maliit na batàng babae na tagapagdalá ng mga bulaklak ng babaeng ikinakasal
flowerpecker (flá•wer pék•er) : maliit na ibon (family Dicaeidae) na may maikling tuka at buntot at pangunahing pagkain ang mga kulisap sa bulaklak
fluency (flú•wen•sí) 1: dulas at gaan ng daloy, lalo na sa pagsasalita o pagsusulat 2: tatas at husay sa wika
fluid (flú•wid) : substance, lalo na ng gas o likido, walang tiyak na hugis, may kakayahang dumaloy, at umaangkop sa hugis ng sisidlan nitó
fluid (flú•wid) 1: may kakayahang dumaloy 2: kaugnay o binubuo ng mga fluid 3: madalîng magbago; hindi matatag
fluke (fluk) 1: suwerteng pagkakataon 2: parasitong uod (class Trematoda) 3: malapad at patatsulok na bahagi ng kawit ng angkla
fluorescence (flo•ré•sens) 1: bugá ng radyasyon, lalo na ng nakikítang liwanag ng isang substance kapag nalantad sa panlabas na radyasyon, gaya ng x ray 2: katangiang taglay ng isang substance na may kakayahan sa pagbugá 3: ang radyasyong ibinubuga o inilalabas
fluorescent lamp (flo•ré•sent lamp) : hugis túbong de-koryenteng ilaw na ang liwanag ay nalilikha sa pamamagitan ng fluorescence ng pahid ng phosphor sa loob ng túbo
fluoridation (flów•ri•déy•syon) : paglalagay ng fluoride sa inuming tubig upang maiwasan o maibsan ang pagkasirà ng ngipin
fluoride (flú•rayd) : pinakareaktibong element na di-metaliko, nakalalason, at nakaaagnas (atomic number 9, symbol F)
flush (flash) 1: bugsô3 2: pamumulá 3: bigla at mabilis na agos ng tubig 4: biglang pag-init ng pakiramdam 5: hawak na mga barahang gáling lahat sa iisang set, lalo na sa poker