foam (fowm) 1: bulâ 2: substance na kemikal at ginagamit sa pagpatay ng apoy 3: mga suson ng tíla bulâng substance, gaya sa gomang ginagamit sa kutson
fob (fab) 1: maliit na bulsa sa harap ng pantalon; bulsa para sa relos 2: kadenang ikinakabit sa relos at nakabitin sa nasabing bulsa 3: anumang palamuting suot sa dulo ng gayong kadena
focal length (fó•kal lenth) : ang layò mula sa gitna ng lente o kurba ng salamin hanggang sa fokus nitó
foetus (fí•tus) : hindi pa naisisilang o napipisâng anak ng isang hayop, lalo na ang hindi pa naisisilang na sanggol na higit walong linggo pa lámang na ipinagbubuntis
foil (foyl) 1: a malambot na espadang pang-eskrima, may apat na kanto ang talim, at matulis ngunit mapurol ang dulo b paligsahan sa paggamit nitó 2: palarâ 3: asóge
fó•kus 1: punto na pinagtatagpuan ng sinag ng liwanag, init, o iba pang radyasyon matapos magtama nang pahilis o pabalik 2: sa optiko a focal point ng lente b focal length ng lente c kalagayan ng larawan na malinaw 3: pangunahing tuon ng pansin, pang-akit, o gawain 4: sa makabagong balarila, ang relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap
-fold : pambuo ng pang-uri at pandiwa mula sa kardenál na mga numero, nangangahulugang a ang bílang ng pag-uulit b binubuo ng ilang bahagi, hal twofold