folic acid (fów•lik á•sid) : sintetikong anyo ng isang kabílang sa bitamina B complex at itinuturing na mabisàng gamot sa anemya
folio (fówl•yo) 1: papel na itiniklop upang maging dalawang dahon o apat na páhiná ng aklat 2: aklat o manuskrito, karaniwang higit sa 27.5 sm ang taas, gawâ sa papel na itiniklop sa gayong paraan 3: dahon o pilyego ng aklat 4: numero ng bawat páhiná ng aklat
folklore (fók•lor) 1: tradisyonal na paniniwala, alamat, kaugalian, at iba pa ng mga tao 2: pag-aaral tungkol dito
following (fá•lo•wíng) 1: kalipunan ng mga tagasunod o tagapagtaguyod 2: mga tao o bagay na babanggitin