flush (flash) 1: mamulá; maging mapulá 2: linisin sa pamamagitan ng ragasa ng tubig 3: bulabugin 4: patagin, pantayin
flux (flaks) 1: proseso ng pag-agos 2: paglabas o pagpapalaba 3: patuloy na pagbabago 4: substance na hinaluan ng metál o iba pa 5: a proporsiyon ng agos ng anumang fluid sa isang hatag na area b dami ng fluid na dumadaloy sa isang area sa isang hatag na panahon 6: dami ng radyasyon sa isang area sa isang hatag na panahon 7: kabuuang electric o magnetic field na dumadaloy sa isang rabaw 8: abnormal na paglabas ng dugo o dumi mula sa katawan
flyer (flá•yer) 1: pilóto1 2: bagay na lumilipad sa isang espesipikong paraan 3: hayop o sasakyang mabilis 4: tao na mapaghangad o natatangi; bagay na katangi-tangi 5: polyeto
flying (flá•ying) 1: lumilipad; nakalilipad 2: mabilis 3: nakalutang sa hangin 4: mabilis at maikli 5: sa hayop, nakalulundag nang malayò
flying saucer (flá•ying só•ser) : sasakyang pangkalawakan, sinasabing pabilóg ang hugis, at ipinalalagay na nagmula sa ibang planeta at daigdig
flyweight (fláy•weyt) 1: timbang sa boksing, wrestling, at weight-lifting, nása pagitan ng ligh tflyweight at bantamweight, katumbas ng 48-51 kg sa amatyur, at nag-iiba kung propesyonal 2: manlalaro na may gayong timbang
flywheel (fláy•wil) : mabigat na disk na pinaiikot o pinipihit ng ehe at nagsasaayos sa takbo ng mákiná