frame (fréym) 1: ilagay sa kuwadro 2: balangkasin sa iisang disenyo o plano 3: iangkop; itugma 4: ipagkanulo
frame (fréym) 1: kuwádro2 2: hámba 3: anumang batayang estruktura 4: suporta ng salamin 5: lakí o mismong estruktura ng isang hayop o haláman 6: balangkas2 7: kaayusan ng isang plano o sistema 8: pansamantalang lagay ng pag-iisip o kaisipan 9: partikular na imahen o eksena sa pelikula o telebisyon
franc (frángk) : batayang yunit ng salapi sa France, Belgium, Switzerland, Luxemburg, at ng ilang bansa sa Africa
francium (fran•sí•yum) : radyoaktibong element sa pangkat ng alkali metal (atomic number 87, symbol Fr)
frangipani (frán•dyi•pá•ni) 1: punongkahoy o palumpong (genus Plumeria) na katutubò sa tropikong Amerika 2: ang pabango mula sa halámang ito
frankfurter (frángk•fér•ter) : tsorisong gawâ sa tinapá at nilutòng karne ng báka o baboy, at maaaring may bálot o wala