foxhole (fáx•howl) 1: bútas sa lupa na ginagamit na taguán laban sa paputok ng kaaway 2: pook na silungán o kublíhan
foxtrot (fáx•trat) 1: sayaw pangballroom na may mabagal at mabilis na hakbang, indak, o kilos 2: ang musika para dito
fractal (frák•tal) : kurba o heometrikong hugis, na katulad ang katangiang pang-estadistika ng bawat bahagi sa kabuuan
fraction (frák•syon) 1: numerikong kantidad na hindi isang buong bílang, hal, ½, 0.5 2: maliit na bahagi o piraso ng isang buo 3: bahagi ng isang halòng nahiwalay sa pamamagitan ng destilasyon at iba pa 4: anumang organisadong salungat na pangkat, lalo na ang pangkat ng komunista sa isang hindi komunistang organisasyon 5: paghahati ng Eukaristikong tinapay 6: pang-uring pamahagi
fractional (frák•syo•nál) 1: may kaugnayan sa fraction 2: hindi buo 3: tumutukoy sa paghihiwalay ng mga bahagi ng isang halò sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang pisikal na katangian ng mga ito
fracture (frák•tyur) 1: lámat, lalo na sa butó o kartilago; pílay1 2: ang makikítang rabaw sa kabibitak na bató o mineral
frág•ment 1: bahagi na napigtal o napilas 2: maliit at hiwalay na bahagi 3: ang nálabí o hindi tapos na bahagi ng isang akda
fraile (fráy•le) : sa simbahang Katoliko Romano, kasapi sa alinmang ordeng panrelihiyon ng mga laláki, gaya ng Agustino, Dominiko, Pransiskano, at Heswita